Bilang isang rehistradong partido pulitikal,
ang ABP BICOLNON ay mayroong mga
Chapters sa lahat ng mga lalawigan
ng Kabikulan:

DAET, Camarines Norte;
NAGA CITY, Camarines Sur;
LEGASPI CITY, Albay;
SORSOGON CITY, Sorsogon;
MASBATE CITY, Masbate

Pangunahing Tanggapan:
Bo. Bigaa, Virac, Catanduanes

Click Here to download
the Membership form

Ang ALLIANCE OF BICOLNON PARTY (ABP) ay isang Pangrehiyong Partido Pulitikal para sa Kabikulan o Region 5 na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes. Ito ay sa bisa ng COMELEC Resolution Bilang 008-2009 na inilabas nuong ika - 20 ng Enero, 2009.

Ang partido ay naitatag sa pangunguna ni Arch. ENRIQUE “HENRY” O. OLONAN, isang negosyanteng Bikolano na nagmula sa Bayan ng Viga, Lalawigan ng Catanduanes. Si Arch. Olonan na siyang tumatayong Chairman ng partido, ay datihan ng kasama sa mga usapin at gawaing may kaugnayan hindi lamang sa pulitika bagkus ay sa mga iba’t-ibang pang sibikong gawain na tinutukan naman ng Solid Future Foundation, Inc. na siya rin ang nagtatag. Ang makulay at makasaysayang buhay ni Chairman Olonan ay siya ding naging inspirasyon sa pagpapalakas ng partido at sa paghahabi ng mga balaking may kaugnayan sa pagbabalik tanaw at inspirasyon sa mga kababayang Bikolano.



Bookmark and Share